top of page
DSCF0743-2.jpg
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
Kuwento (logo).png
Kuwento (logo).png

Isang tasang kape, damdamin, pagtitiwala at ang aking kamera ay

sapat na para bumuo ng bagong kuwento. Magkuwentuhan tayo.

 

Ang buhay ay binubuo ng iba't ibang kuwento at ang mga kuwentong

ito ang siyang sumasalamin at humuhubog sa ating pagkatao.

Kung ganun, ang lahat ng kuwento ay mahalaga gaya ng kung gaano kahalaga ang buhay. Gayunpaman, may mga kuwentong kadalasan

ay hindi natin napapakinggan at nakikita at bilang resulta, hindi sila napapahalagahan.

 

Layunin ng pahinang ito na mabigyan ng puwang ang mga kuwentong

ito sa pamamagitan ng mga imahe. Ang lahat ng imahe ng tao, lugar,

at pangyayaring makikita mo ay may kanya-kanyang gustong sabihin at hindi na nila kailangan ng salita para ito ay iyong marinig at maintindihan. 

7B9A7222.jpg

Ang may Akda

Ako nga pala si Ed, ang may pakana ng pahinang ito. Mahilig

akong maglakbay, kumuha ng litrato at makipagkuwentuhan

sa mga taong kagaya mo at mahilig din ako sa kape.

 

Ako ay nagtapos ng kursong Komunikasyong Pangkaunlaran sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang development worker. 

Gusto rin kitang makilala. Sabihan mo lang ako.

Maraming salamat sa iyong oras!

 

 

 

  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle

Dokyumentaryo

Sa mga litratong pang-dokyumentaryo ako nagsimula at sa lahat ng genre na kinahuhumalingan ko, ito ang pinakagusto ko dahil dito ako madaling nakakapagkuwento. Natural ang mga emosyon at hindi kailangan ng masyadong direksyon pero higit sa lahat, dito ko mas nararamdaman na ang mga kinukuhanan ko ang nagkukuwento kaysa ako. Mahalaga yun sa akin dahil maaaring iba ang kuwento at pagkakakuwento nila sa kung paano ko sila kuwinento sa mga litrato ko. Kung kaya't mahalaga sa akin bilang tagakuha ang pakikinig at pagiging bukas at mulat. 

 

Marami sa mga makikita mo ay larawan ng mga sektor na kadalasang hindi napapansin o di kaya'y mga pangyayaring nagpapakita ng pakikibaka at pagbangon. Kung hindi sa lansangan, sa mga maliliit na komunidad ko nakukuha ang mga kuwentong ito.

 

 

 

Mukha

Kamakailan lang ay nahumaling na rin ako sa pagkuha ng mga mukha ng tao. Bagamat ako'y nangangapa pa sa ganitong genre dahil sa limitado kong karanasan, masaya ako dahil sa bawat taong kinukuhanan ko, natututo ako ng mga bagong teknik sa pagkuha at pag-direk sa aking mga modelo. Pero higit sa lahat, mas nakikilala ko sila. 

 

Isa sa mga natutunan ko sa genreng ito ay ang kahalagahan ng pagkilala sa iyong modelo bago mo sila kuhanan.

Hindi sapat ang kagalingan nila sa pag-anggulo ng kanilang mukha at katawan. Kakabit dapat nito ang pagintindi

sa kanilang emosyon at sa kuwentong gusto nilang isalaysay. 

Kalikasan

at Kultura

Mahilig akong maglakbay at sa bawat paglalakbay ko, hindi maaaring wala akong maiuwing kuwento.

 

Bukod sa pagliliwaliw, madalas akong maglakbay para makapagnilay-nilay. Bilang isang litratista, mahalaga ang pagninilay-nilay sa pagkilala sa iyong sarili sa pamamagitan ng pagpupuna sa iyong mga kakulangan at pag-iisip kung paano mo pa mapapahusay ang iyong mga kagalingan. Madalas din ay dito ko masnaihahayag ang aking damdamin at kung sinisipag ay ginagawan ko ito ng tula.

 

Kasama rin ng pagninilay-nilay ay ang pag-aaral at pagkilala sa mga lugar na pinupuntahan ko. Mahilig akong pumunta sa mga dagat, bundok, ilog, talon, museo o kung san man ako dalhin ng aking kamera at

sa bawat lugar na ito'y mga kuwentong mayaman na kadalasan ay nanggagaling sa mga nagpapahalaga

sa kanila -- ang mga tao, ang mga komunidad. 

Bukod sa paglalakbay, nakakapagnilay-nilay din ako sa simpleng paglalakad sa mga kalye.

 

Napakayaman ng mga kalye sa kuwento. Ang mga ilaw, ang mga ingay, mga sasakyan, mga tao, maging ang mga hayop na makakasalubong at kinukuhanan ko ay mga metaporang malalim ang ibig sabihin, hindi lang tungkol sa lugar kundi sa mga buhay na dumadaan at namamalagi sa mga kalyeng ito. 

Madalas ko itong ginagawa tuwing gabi pagkatapos ng trabaho o di kaya nama'y tuwing ako'y nababagot at pagkatapos magkape. Bagamat sa genre na ito, napakahalaga ng pag-iingat. 

Kalye

4
5

Kuwentuhan tayo!

Email address: kuwentoph2021@gmail.com
Contact number: 0977-288-6873
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle

Maraming Salamat!

bottom of page