A surviving tattoo artist
- Edgar Bagasol Jr.
- Mar 1, 2021
- 3 min read
Updated: Apr 25, 2021
The culture/creative sector has been hit hard by the coronavirus pandemic; leaving many artists, performers, and craftsmen and women unemployed. One of them is a Mandaluyong City-based tattoo artist, Alyssa Balaoing.

"When the pandemic struck, unti-unting nawala ang mga clients ko, so tumigili na rin ako. Tapos, dapat magkaka-work na'ko nun eh kasi natanggap ako sa kumpanyang inapplyan ko as Interior designer last March, pero that was the time na nag-declare ng quarantine so nawala rin agad. For almost 6 months, hindi ako nag-tattoo so pahirapan talaga, lalo na sa finances. I had to close my space para lang makatipid and used of my room, instead."


"Mahirap kasi wala kang income source eh. Naging dependent ako sa pamilya ko at sa mga kinikita ko mula sa mga raket ko online. Tapos nung September, paunti-unti na'kong nagsimula, kasi ang dami ng nagtatanong sa Instagram ko eh tapos bandang December, dumami na uli yung mga gustong magpa-tattoo. So, I went back to business again. Paunti-unti muna kasi syempre, delikado pang ma-expose sa mga tao ngayon. Pero ayun, I'm happy that I'm back to tattooing again. Nung quarantine kasi, as in wala akong magawa."

"I started creating tattoos in 2017 and I was 21 back then. That same year, tinulungan ako ni Jose Manansala. Sa kanya talaga ako nagpapaturo at inspirasyon ko talaga siya. Ang galing niya eh. Ayun, nakapag-freelance tattooing ako kaagad after my training with him so bale 4 years na’kong nagta-tattoo. Since then, I started earning. Dati, every weekend talaga ako puno, 4-5 clients in a day ganyan, so naging malaking help talaga siya sa’kin financially."
"Minsan, scary din siya kasi may mga tao talagang nagpapapansin lang. Minsan may nagse-send ng mga weird messages kaya yung iba fini-filter ko na lang or di ko na lang nirereplyan. Ang dami kasing manyak eh. Nakakatakot din siya kasi mag-isa lang ako eh kaya nag-iingat na lang din talaga ako. Hindi talaga ako tatanggap ng client pag diko feel na safe and comfortable siya sa akin."

"The first tattoo is always the hardest kasi kailangan mo siyang pag-isipan nang bongga pero pagkatapos nung first tattoo mo, hindi mo na masyadong pag-iisipan yung mga susunod."
In terms of design, I’m between minimalist and detail art. Yung mga minimalist ko kasi na designs, minsan paulit-ulit na kaya gusto ko yung mga medyo loud pero subtle na designs. Pero not too much. Line art, floral ganyan. Gusto ko yung mga kakaiba, gustong gusto ko mag-explore."
"Usual yan sa mga babaeng artist. Although kakaunti pa kami pero madami sa amin ang magagaling. Siguro ang difference namin sa mga lalaking tattoo artist ay yung bigat ng kamay kapag nagta-tattoo. Mas mabigat kasi ang kamay ng mga lalaki. Sa design naman, mas magaling siguro ang mga babae sa fine lines kaysa sa shading. Kaya pag may nagpapagawa sakin ng mga designs na diko forte, nag-ooffer ako ng ibang option pero kung ayaw pa rin ni client, hindi ko na tinutuloy."
"Kasi yung output mo magre-reflect sayo as an artist eh. Kaya kahit kaya mo pero hindi mo feel, huwag mong gawin. Baka pagsisihan mo pa sa dulo."

"During the tattooing process, yung mga clients ko, magkukuwento yan sila. Iba-ibang kwento. Minsan may mga gustong magpa-tattoo para i-commemorate yung mga namatay nilang kamag-anak ganyan, o di kaya naman yung mga problema nila sa buhay ganun, sa asawa, sa anak. Actually, para na nga akong nagiging therapist but it’s nice listening to their stories sometimes. I’m learning from them too."
"I think advantage pagka magaling ka na mag-drawing. Ako kasi bago ako mag-tattoo, marunong na’kong mag-drawing kaya naging madali lang saking magsimula. Back then, sobrang interesado talaga akong mag-tattoo kasi na-amaze ako sa art eh. And for me, I really wanted to pursue it."
"So pag passion mo talaga, ipu-push mo kasi para sayo yun eh pero kung hindi, you can find another. Continue exploring."

Check Alyssa Balaoing's tattoo gallery at: instagram.com/_alyssa.art/
Comments